LARUAN: Tulirong Tadhana Part 1
by Macky Agents
Edited by Benedict Magisa and El Mhe Ro Se
“Nakilala ko si Juan sa pinagtatrabahuan ng tatay ko. Isa siyang magsasaka, simula nung bata pa siya. Kasing edad ko lang si Juan nung una ko siyang nakita. Namangha nako sa kasipagan nila ,naniniwala ako na ang mga magsasaka ay matitiyaga at masisipag dahil ganyan ako ,ganyan kaming magsasaka. Naging magkaibigan, kami na halos parati na kaming magkasama kahit saan at nang tumagal unti unting nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Na para bang ang saya saya ko pag kasama siya.
Ang aming masasayang araw na magkasama ay napalitan dahil isang araw ay di na siya nagparamdam. Kahit isang kamusta man lang sa akin ay wala. Sa linggong ito kami'y nagkita sa simbahan ngunit hindi niya ako kinausap. Maraming tanong ang nasa aking isipan, bakit ganon? Kay dali niya namang lumisan sa aking buhay. Ngunit ako'y hindi napanatag kaya ako'y nakiusap sa kanya na kami ay mag usap kahit isang minuto man lang. At doon ko nalaman na si Juan ay magpapari kaya niya ako iniiwasan dahil siya ay pag aaralin ng kanyang tiyuhin na pari. Kaya ang kwento namin ay di na madugtungan pa pero sa puso ko siya'y nakaukit na. Kahit magdaan man ang mga araw, may puwang parin siya sa aking pusong sabik sa kanyang pagmamahal.
Ang ala ala ng aming pag sasama ang bumubuhay na lamang sa aming pag kakaibigan pero may tanong ako sa sarili ko mahal ko na ba si Juan? Dahil gusto ko sya laging makausap at makasama? O baka laro lamang ito sa aking isipan , Dahil nalaman kong mag-papari s'ya at lalayo sa aking tabi. Makalipas ang dalawang araw hindi na kami nag kita, nagulat ako dahil nag hihintay na si Juan sa lamesa ,at yung araw sa araw na iyon kailangan niya nang mag paalam, masakit man sa akin dahil lalayo s'ya, iisipin ko nalang na para yun sa ikabubuti nya.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon, ako'y tahimik na naglalakad papuntang simbahan. Ito na ang pinakahihintay kong araw, napakaganda ko sa puting gown na suulot-suot ko. Ito na ang araw na haharap ako sa Diyos at mangangakong sasamahan ko habang buhay ang taong aking pinakamamahal. Habang ako'y naglalakad ay may mainit na puting likido na lumalabas sa aking mga mata.
Masakit,
Masakit isipin na ang paring magkakasal sa amin ay minsan ko na ding minahal,
ang paring iyon ay si Juan. Ngunit may mahal na akong iba at mahal niya din ako. Siguro iingatan ko nalang yung natitirang relasyon namin ni Juan na pagiging "MAGKAIBIGAN"
DAHIL ALAM KO NA SA SARILI NA ANG "MAGKAIBIGAN" AY HINDI MAGIGING "MAGKA-IBIGAN"
Siguro may mga bagay talaga sa mundo na hindi mapaliwanag pero may dahilan. May mga bagay sa mundo na hindi natin inaasahan pero sadyang tatatak sa ating mga puso't isipan.
Hindi ko alam ang aking marararamdaman noong mga oras na iyon... At sakit lang isipin na ang una mong minahal ay ang paring magkakasal sa iyo, sa kabilang banda ay masaya sapagkat sa wakas ay maikakasal ka na rin... Nang nasa kalagitnaan na nang kasal... Biglang dumilim ang aking paningin, hindi ko alam ang nangyayari habang narinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Hindi humihinto ang kanyang pagsigaw hanggang sa dumilat ang aking mata, panaginip lang pala ang lahat... Si Juan ay isa lamang palang imahinasyon. Araw-araw lagi ko siyang hinahanap, para sa akin ang lahat nang iyon ay hindi panaginip lamang, para sa akin itong lahat ay totoo. Ngunit hindi naniwala ang aking mga kapatid sapagkat isang buwan na raw akong tulog. Hindi ko alam ang aking gagawin... Ang lungkot na nadarama ko ay pumupunit sa aking dibdib... Araw araw akong umiiyak sapagkat hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin si Juan, sana hindi pa siya pari... Sana mahal niya rin ako....
Para sa akin hindi iyon imahinasyon lang dahil ang mga nangyaring iyon ay isang kaganapan noong unang panahon. Ito ay tinatawag nilang reinkarnasyon. Na kumpirma ko iyon ng nakita ko sa aming bahay ang isang larawan ng lalaki na nakasuot ng pang-magsasaka at ang babae naman ay nakasaya lamang. Sila'y masayang nakatingin sa taga pinta at ang kanilang likuran ay ang palayang kay ganda. Nakasulat sa gilid ng larawan ang pangalan ni Juan at Carmela. Dahil sa tuwa na totoo si Juan ay aking niyakap ang larawan at hindi ko na namamalayan ang namumuong luha sa aking mga mata, napahagulgol ako, hindi dahil sa sakit ngunit sa labis na tuwa. Nawa'y sa aking ikalawang buhay ngayon ay akin siyang makasama, o Juan na aking sinisinta.
Dama ko pa rin ang mga yakap ng nakaraan na siyang nagpanumbalik ng lahat mga luha na pumapatak sa aking mata na siyang simbolo ng kasiyahan at kagalakan sa aking puso, hindi ko akalain na muli kitang mayayakap, ayoko ng kumawala sa mga yakap mo gusto ko igapos ang aking sarili mula sa iyo, hindi ito isang panaginip, totoo ang lahat simula sa aking nararamdaman noon pa sa iyo hindi ko alam kung bakit nakaranas ng pagsubok ngunit ngayon itong pagsubok pala ang siyang magpapanumbalik sa ating masasayang araw.
To be continued...
wala na iyon 在 CAT LOVER -Ito iyon video na tinago ko 4months kasi Wala ... 的推薦與評價
CAT LOVER -Ito iyon video na tinago ko 4months kasi Wala na ang pusa na ito .Ngayon tanggap ko na. 36 views36 views. Dec 13, 2020. ... <看更多>
wala na iyon 在 wala naman dahilan kaya ako pumunta sa lugar na iyon wag ... 的推薦與評價
wala naman dahilan kaya ako pumunta sa lugar na iyon wag ka nga feeler. 28 पसंद. hindi porket nakita mo ko sa lugar na iyon at nandoon ka akala mo... ... <看更多>